Posted March 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Magtipid at maging responsible sa paggamit ng kuryente.
Ito ang muling paalala ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa publiko,
sa kabila ng panibagong pagbaba sa singil sa kuryente ngayong Marso.
Base kasi sa advisory ng AKELCO, bumama ang transmission charge ngayong
buwan dahilan ng pagbaba rin kanilang singil.
Kaugnay nito, magiging P 10.8011 na ang singil ng kuryente para sa residential
consumers ngayong Marso, mula sa P 10.8173 nitong nakaraang buwan ng Pebrero,
habang magiging P 9.8838 naman ang singil para sa mga commercial consumers mula
sa P 9.8983.
Matatandang bumaba rin ang singil sa kuryente ng AKELCO nitong nakaraang
buwan, dahil naman sa bumaba ang generation charge o binibiling kuryente ng
AKELCO, matapos maayos ang NGCP 69kv transmission lines na nasira dala ng super
typhoon Yolanda.
No comments:
Post a Comment