Posted
March 21, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Photo credit by boracaymagazine.wordpress.com |
Nangunguna sa loob
ng unang dalawang buwan ng taong 2014 ang Chinese tourist sa mga foreign
arrivals sa isla ng Boracay.
Ito’y makaraang
maungusan nila ang South Koreans na sunod-sunod na naitala na may
pinakamaraming turistang pumupunta sa Boracay.
Sa naging pagtaya
ng Jetty port administration, ang Chinese tourist arrivals ay umabot ng 52, 740
na sinundan naman ng South Korea na 40, 511 habang pumapangatlo ang Taiwan na
may 6, 387 arrivals.
Nabatid na marami
sa mga Chinese tourists ay pumunta sa Boracay nitong nakaraang Chinese New Year
kung saan kinukunsidira nila ang resort island bilang isang tanyag na New Year
destinations.
Nakadagdag pa
rito ang pagbisita ng Cruise Ship na MS Costa Atlantica nitong Marso a-onse sa
Boracay sakay ang mga Mandarin speaking Chinese tourists.
Samantala nitong
nakaraang araw ay bumisita sa ikatlong pagkakataon ang MS Europa 2 ng Hapag-Lloyd
sa isla sakay ang ilang Chinese tourists.
Napag-alaman na kinukunsidira
naman ngayon ng mga Chinese ang Boracay bilang kanilang 16th favorite tourism
destinations sa buong mundo.
I would like to thank you for the efforts you have made in writing this article. I am hoping the same best work from you in the future as well. Thanks... johnny
ReplyDelete