Posted March 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi lamang umano sa mga business establishment sa
Boracay nakatuon ang atensyon ngayon ng Boracay Redevelopment Task Force o
BRTF.
Ito’y matapos na mapag-alaman na ilang mga residential area
sa isla ay kabilang rin sa 30-meter easement ng task force.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, matapos
umano ang gagawing demolisyon ng BRTF sa long beach area na pasok sa easement rule
ay susundin naman umano nila ang mga nasa residential area.
Napag-alam na karamihan sa bibigyang pansin ng BRTF ay
ang mga kabahayan sa Baranggay Manoc-manoc.
Aniya, iba naman ang concerns ng BRTF sa mga residential area
kumpara sa mga business establishments sa beach front ng Boracay.
Sa ngayon uunahin umano ng Redevelopment Task Force na
bigyang pansin ang mga establisyementong nag-violate sa 30-meter easement.
Dagdag pa nito kung ano ang ginawa ng task force mula Station
1 hanggang Boracay Terraces, ay ganon din ang gagawin mula Station 2 papuntang
Angol area ng Manoc-Manoc.
Samantala, lahat ng mga imprastraktura sa beach front na kabilang
sa 30-meter easement maliban nalang sa pag-mamay ari ng gobyerno na lifeguard
station, medical station at tourist information center ay tatanggalin.
No comments:
Post a Comment