Posted March 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Na ‘False Alarm’ ang ilang motorista sa Boracay kaugnay sa pagbubukas
ng kalsadang isinara dahil sa Flood Control Project.
Nakita naman kasi ng mga ito kahapon na tuluyan nang binuksan ang
nasabing kalsada matapos tanggalin ng ITP Construction ang harang o kordon
doon, kung kaya’t inakala nila na pwede na ulit itong daanan.
Subali’t sa unahan lang pala nito’y may tinatapos pa ang ITP, dahilan
upang muli makaranas ng traffic ang mga biyahero doon.
Magkaganon paman, aminado ang mga ito na hindi na kasing haba ng dati
ang kanilang naranasang traffic.
Matatandaang sinabi ni ITP Construction Project Architect Victor
Turingan na hinihintay na lang nilang matapos ang curing time ng kalsada bago
muling buksan sa darating na araw ng Sabado.
No comments:
Post a Comment