Posted March 20, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
May lead na ang
Malay PNP sa suspek sa pagpaslang sa dispatcher ng CBTMPC nitong Marso a-otso
sa baranggay Caticlan Malay, Aklan.
Ayon kay SPO1 Ben
Estuya ng Malay Police Station Office, patuloy umano ang kanilang ginagawang
pag-iimbistiga sa nangyaring krimen kung saan malapit na rin nilang matukoy ang
tutuong pagkakakilanlan ng suspek.
Bagamat hindi pa
nila ito pinangalanan sinisiguro naman nilang mareresolba ang nangyaring
krimen.
Kinilala ang
biktimang si Dandy Teodosio, 37 anyos, tubong Cortes, Balete, Aklan at
residente ng San Jose, Romblon.
Base sa
imbistigasyon ng kapulisan, nakipag-inuman ang biktima sa mga kasama niyang
drayber bago nangyari ang insidente.
Subali’t
natagpuan na lamang umano ito sa loob mismo ng kanilang terminal na duguan at
may tatlong saksak sa kaliwang dibdib, nguni’t wala nang buhay.
Dahil dito, mas
pinaigting pa ngayon ng Malay PNP ang kanilang 24 hour police visibility sa
baranggay Caticlan lalo na sa cargo area kung saan maraming mga nag-iinuman at
mga tambay na nagpapalipas ng kanilang oras.
Sa ngayon patuloy
paring sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng biktima para sa pagkamatay ni Teodosio.
No comments:
Post a Comment