Posted March 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masayang ibinalita ng Department of Science and
Technology (DOST) Aklan na 34 high school graduating students mula sa probinsya
ang kwalipikado sa DOST-SEI Scholarship.
Ayon kay DOST Aklan Science Research Specialist II, Aster Oliva.
Ayon kay DOST Aklan Science Research Specialist II, Aster Oliva.
Dalawang uri ang scholarship na iniaalok ng SEI,
ito ang Program A o ang RA 7687 Scholarship Program at Program B o ang Merit
Scholarship Program.
Ang Program A ay para sa mga mag-aaral na
nabibilang sa mga pamilyang may mababang socioeconomic status, habang ang
Program B naman ay para sa mga mag-aaral na nabibilang sa mga pamilyang may
mataas na socioeconomic status.
Samantala, kabilang sa mga pribilehiyo na matatanggap
ng mga DOST-SEI scholars ang libreng tuition fee, textbooks and school supplies
allowance, physical education uniform allowance, monthly living allowance,
group health and accident insurance at post-graduation clothing allowance.
Maaari naman ngayong kumuha ang 34 na bagong
iskolar ng ilan sa mga priority courses ng programa tulad ng bachelor’s degree
sa larangan ng agham, matematika, biology at engineering.
Sa nasabing pagsusulit, tatlo ang nakapasa galing
sa pribadong paaralan habang ang 31 ay mula naman sa iba pang bayan sa
probinsya.
No comments:
Post a Comment