Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling binuksan sa publiko ang taunang liwanag ng
kapaskuhan sa bayan ng Kalibo.
Alas-kwatro kahapon ng hapon ay nagsimula ang programa
kung saan pinanguhan ito ng lokal government unit ng Kalibo at ng provincial
government ng Aklan.
Ibat-ibang palabas rin ang itinanghal ng mga Kalibonhon
para sa libo-libong manunuod.
Habang papasapit naman ang gabi ay unti-unti pang dumarami
ang mga tao para saksihan ang pagliwanag ng Pastrana Park.
Bandang alas-siyete ay sinimulan ang count down para
pailawan na ang nasabing plaza at sinabayan naman ito ng makukulay na fireworks
display na ilang minuto rin ang nagtagal.
Halos buong paghanga naman ang naging reaksyon ng mga
nakasaksi sa pagbubukas ng taunang liwanag sa bayan ng Kalibo.
Sa kabila kasi na wala pang sapat na suplay ng kuryente
ang probinsya ay ipinadama parin ng mga lokal agencies at mga establishment
owners sa Kalibo ang himig ng kapaskuhan.
Samantala, tuloy-tuloy parin ngayon ang ginagawang
pagsasaayos ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ng mga nasirang poste ng
kuryete sa Aklan para muling magliwanag ang kapaskuhan ng mga Aklanon.
No comments:
Post a Comment