Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Lumulutang parin sa ngayon ang pagpapaliban sa sampung pisong umento
sa sahod sa probinsya ng Aklan.
Sa text message ni Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan
Provincial Head Vidiolo C. Salvacion.
Sinabi nito na hindi pa naaprobahan ng National Wages and
Productivity Commission (NWPC) ang resolusyon ng Regional Tripartite Wages
Productivity Board (RTWPB) sa Region 6.
Ayon pa kay Salvacion, wala pa sa kanila ang kopya ng mga lugar na
tinukoy ng Office of the Civil Defense (OCD) na matinding sinalanta ng bagyong
Yolanda.
Samantala, bagama’t inaprobahan ng RTWPB Reg. 6 ang hinihiling na
pagpapaliban sa sampung pesong wage increase ng mga minimum wage earners sa
private sector sa Western Visayas.
Nilinaw naman ni DOLE Reg. 6 Director Ponciano Ligutom na ito’y sa
mga lugar lamang sa Region 6 na sinalanta ng bagyo base sa inilabas na
sertipikasyon ng OCD.
Ang wage increase ay nagsimula pa noong November 29, 2013.
No comments:
Post a Comment