Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan (SP)
Aklan ang ordinansa na nagbabawal sa mga nakakalasing na inumin tuwing may
kalamidad.
Sa ginanap na Committee Hearing kamakailan.
Sinabi ng sponsor nito na si SP Member Atty.
Plaridel M. Morania, na ito’y upang maiwasan umano ang panggugulo at ang mga posibleng
mangyari kapag lasing ang ilang mga residente.
Mas makakapaghanda umano kasi ang mga residente sa
panahon ng kalamidad kung hindi lasing
at nasa tama ang pag-iisip.
Samantala, sa ngayon ay ipinagpaliban muna ang
nasabing ordinansa at nakatakdang talakayin sa mga susunod na sesyon ng SP
Aklan.
No comments:
Post a Comment