Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumalik agad sa normal ang operasyon ng Kalibo
International Airport o KIA matapos sumadsad sa runway ang gulong ng eroplano
ng Zest Air kahapon.
Ayon kay Kalibo CAAP o Civil Aviation Authority of the
Philippines OIC- Manager Cynthia Aspera, alas 3:15 ng hapon nang nangyari ang
insidente, matapos lumagpas ang dalawang gulong sa harapan ng eroplano at
lumubog sa lupa.
Dahil dito, ilang biyahe rin ng eroplano ang naantala na
kinainip naman ng mga pasahero.
Nabatid na ang RP-C8988 ay may sakay na mahigit isang
daan at limampung pasahero na kinabibilangan ng mga foreigners mula sa isla ng
Boracay at patungong Busan, South Korea.
Wala namang nasugatan sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment