Ni Jay-ar M. Arante YES FM Boracay
Sinisimulan na umano ang pag-expand ng Don Ciriaco S.
Tirol Memorial Hospital o mas kilala sa
tawag na Boracay Hospital.
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio
Cuachon Jr., may nakalaan nang apat napung milyong pisong pondo ang Department
of Health para dito at nagbigay din umano ng lima hanggang sampung porsyento ang
probinsya ng Aklan.
Aniya, napag-planohan nila itong palakihin at gawing
tatlong palapag kasama na ang paglalagay ng elevator para dito.
Una nang sinabi ng Provincial health office o PHO na
magiging isang magandang hospital na ito dahil sa maglalagay sila ng mga equipment
para sa ibat-ibang operasyon ng mga magpapagamot.
Kabilang pa aniya ang pagdagdag ng mga staff para lalong
mabigyang pansin ang mga pasyenteng magpapagamot na hindi lang taga isla ng
Boracay kundi maging ang mga turista.
Samantala suportado naman ng LGU Malay ang nasabing
proyekto para hindi na mahihirapan ang mga magpapagamot na bumiyahe papuntang
bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment