Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Buo umano ang tiwala ng Department of Tourism (DOT)
Boracay sa seguridad na ipinapatupad ng mga kapulisan sa isla ng Boracay.
Ito’y kaugnay ng pananalasa sa Metro Manila ng
ilang mga masasamang elemento katulad ng “martilyo gang” na hindi umano
malayong mangyari dito sa isla.
Ayon kay DOT-Boracay Officer in Charge Artemio
“Tim” Ticar.
Nagkakaroon sila ng mga pagpupulong kasama ang mga
otoridad para patuloy na e-monitor ang mga kaganapan sa isla at matiyak ang
seguridad ng mga bisita lalo na ngayong kapaskuhan.
Samantala, nabatid rin na pinaalalahanan ng gobyerno
ang mga pulis na maging alerto at mahigpit na bantayan ang matataong lugar
ngayong holiday season matapos na sumalakay ang nasabing gang sa isang jewelry
store doon.
Sa ngayon ay mahigpit ang ipinapatupad na seguridad
ng mga pulis sa isla para maiwasan ang ganitong pangyayari at mapangalagaan ang
bawat turista at publiko.
No comments:
Post a Comment