Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Nakakabahala na
ang pang-iistorborbo ng mga menor de edad sa beach front ng Boracay.
Maliban kasi sa
mga menor de edad na humahabol at nanghihingi ng pera sa mga turista sa beach
front tuwing gabi o madaling araw.
May mga menor
de edad na rin ngayon na animo’y tinuruan kung paano maperahan ang mga
lalapitang turista.
Nabatid na may
mga batang edad anim hanggang pitong taon ang lalapit at sasabitan ng
ibinibentang bracelet ang kamay ng turista kahit ayaw, at hindi aalis hangga’t
hindi nabibigyan ng pera.
Ilan tuloy sa
mga nasabing turista ang nagugulat, nadidismaya, at napipilitang bigyan ng pera
ang mga bata.
Bagay na
iimbistigahan umano mismo ni DOT Boracay Officer in charge Tim Ticar.
Sinabi nito na kailangang
bigyang pansin ang ganitong eksena upang maaksyunan.
Matagal na ring
pinoproblema ng mga otoridad sa isla ang pang-iistorbo ng mga kabataang
namamalimus sa isla.
No comments:
Post a Comment