Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nadiskubre sa isinagawang inspeksyon ng LGU Malay ang mga ilegal na
heavy equipment at dump truck sa loob ng New Coast Boracay nitong nakaraang
Linggo.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon.
Napag-alaman nilang labing isang mga heavy equipment ang walang permit
samantalang anim lang sa mga ito ang nakapagkuha ng permit mula sa kanila.
Pinagunahan naman ng SB Malay sa katauhan nina SB Member Floribar
Bautista at SB Member Leal Gelito ng Committee on Transportation ang
pagsasagawa ng imbistigasyon sa loob ng New Coast Boracay kasama ang Municipal
Auxiliary Police (MAP).
Nabatid na ang mga ilegal na construction equipments na mga ito ay
idinaan sa Baranggay Manoc-manoc na walang kaukulang permit.
Dahil nga sa ilegal ang ilan sa mga nasabing sasakyan ay tinikatan ito
ng MAP katuwang ang transportation office ng LGU Malay.
Binigyan naman ng sapat na panahon ang lumabag para kumuha ng permit
mula sa MTO para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Bagamat sinabi ni Ozcon na hanggang ngayon ay hindi parin sila
nakakakuha ng kaukulang permit ay maaari nilang gawin kung ayaw nilang mahaharap
sa mas mabigat na pinalidad.
Maalala na naging laman ng privileged speech ni SB Member Jupiter
Gallenero noong mga nakaraang Linggo ang mga ilegal truck kasama na ang
pagdaong ng mga ilegal na barge.
No comments:
Post a Comment