May liwanag na ang mga bahay
sa buong isla ng Boracay bago sumapit ang kapaskuhan.
Ito ang magandang balita na
ipinaabot ni Engr. Joel Martinez, Assistant General Manager for Engineering
Department ng Aklan Electric Cooperative o AKELCO, kaugnay sa pagkakaroon na
normal na suplay ng kuryente sa lalawigan nitong nagdaang Sabado.
Kinumpirma kasi ni Martinez na
halos isang daang porsiyento na rin ng suplay ng kuryente ang naibabalik na ngayon
sa normal sa isla.
Aniya, hindi na dapat
mag-alburuto ang mga residente sa isla, dahil siniguro nito na bago mag-pasko
ay may mga power supply na ang mga households at business establishments sa
isla.
Samantala, sinabi din ni Martinez
na susubukan nilang mabigyan din ng power supply ang mga taga Caticlan, Malay
at Buruanga bago sumapit ang kapaskuhan.
Hanggang ngayon umano kasi ay
marami pa silang linya na dapat ayusin doon.
Nanawagan din si Martinez sa
mga member consumer ng AKELCO sa isla, na sakaling magkaroon pa rin ng problema
sa power supply sa kanilang lugar ay maaari lamang sumangguni sa tanggapan ng
AKELCO sa Tambisaan Sub Station para matugunan agad ang problema.
Matatandaan na nawala ang
kuryente sa buong probinsya ng Aklan matapos humagupit ang super typhoon
Yolanda mahigit isang buwan na ang nakakaraan.
No comments:
Post a Comment