Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Nagpasaklolo sa
mga pulis ang isang Japanese National matapos umanong iteyk-over ng mga sekyu
ang kanyang restorant kahapon ng madaling araw.
Kinilala sa
police report ng Boracay PNP ang Japanese National na si Hirofumi Yamamoto ng
Cubao, Quezon City, at may-ari ng Gasthof Restaurant sa station 2 Balabag,
Boracay.
Kuwento ni
Yamamoto sa mga pulis, alas 2: 45 ng madaling araw nang pinasok umano ng mga nasabing
sekyu ang kanyang restaurant, at inakyat siya sa kanyang kuwarto at sapilitang
pinalabas.
Dinala umano
siya ng mga ito sa ibaba at hinayaan doon ng ilang oras.
Ayon pa kay
Yamamoto, hinanapan niya ng kaukulang dokumento ang mga sekyu kaugnay sa
kanilang pagpasok doon subali’t wala umanong maipakita ang mga ito.
Alas sais naman
ng umaga nang tuluyan na itong pinalabas sa kanyang restaurant kasama ang
kanyang security guard.
Samantala,
nabatid na lima sa mga nasabing kalalakihan ang ikinostodiya ng mga pulis dahil
sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment