Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Inaasahang marami ang magwi-withdraw sa mga bangko sa
isla, partikular na sa mga ATM Machines ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ngunit kapansin-pansin na ang ilan sa mga bangko sa isla
ay kadalasang off-line simula pa nang matapos ang pananalasa ng bagyong
Yolanda.
Kaugnay nito, nagpaliwanag ngayon ng tagapag-salita ng
Metrobank, isa sa mga bangko sa isla, na marami umanong factor kung bakit
minsan ay off-line ang kanilang mga ATM Machines.
Isa umano rito ay ang palagiang brownout, at minsan ay
ang mahinang signal ng network na konektado sa kanilang mga machine tulad ng
Smart, Globe at Sun.
Katunayan, maging ang ilang bangko umano ay nakakaranas
din ng kahintulad na shortage ng signal.
Ngunit dahil na rin sa marami silang kliyente, lalo na ang
mga nag-wi-withdraw sa kanilang mga ATM Machines.
Sinabi nitong pinapayagan pa rin nila na mag-widthraw ng
pera over the counter ang sinumang Metrobank card holder, at tanging Metro Bank
Boracay card holder lamang.
Tiniyak naman ng nasabing bangko na agad nilang bibigyan
ng aksyon ang anumang problema na nararanasan ng kanilang mga ATM Machines.
No comments:
Post a Comment