Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinababahala ng Malay Transportation Office o MTO ang
pagdami ng mga motorsiklo sa isla ng Boracay.
Ayon kay Remo Arcelis ng Malay Transportation Office o
MTO, kaliwat kanan na ngayon ang pagsusulputan ng mga motorsiklong bumibyahe sa
Boracay kabilang na ang hindi pampasaherong motorsiklo.
Aniya, nililimitahan naman ito ng LGU Malay para maiwasan
narin ang pagpasok ng mga motorsiklong ilegal na nagpapasada sa isla.
Hindi din umano sila basta-bastang nagbibigay ng permit sa
mga driver ng motosiklo hanggat hindi nila nakukumpleto ang kanilang ibinibigay
na requirements para dito.
Iginiit naman ni Arceles na marami ngayong bumibyahing
motorsiklo sa Boracay na walang plate number dahil sa matagal din umano ito
bago makuha sa Land Transportation Office o LTO kaya’t binibigyan na lamang
sila ng temporaryong plaka na for registration.
Sa kabilang banda sinabi naman ni Arcelis na hindi excuse
sa kanila ang mga habal-habal na drivers na tinatanggal ang plate number para
hindi ma-identify na bumibyahe.
Maaari aniya nilang bigyan ng kaukulang pinalidad ang mga
drivers na nagsasagawa ng ganitong gawain at maaari din na ma-impound ang
kanilang mga motorsiklo.
Matatandaang mahigpit na ipinag-babawal ng lokal na
pamahalaan ng Malay ang pag-biyahe ng mga habal-habal sa Boracay.
Sa ngayon binubusisi naman ng maayos ng Malay
Transportation Office o MTO ang nag-aaplay sa kanila ng permit para sa pagpasok
ng mga motorsiklo sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment