Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang nilinaw ngayon ng Philippine Coast
Guard (PCG) kaugnay sa implementasyon ng Marina Memorandum Circular 2008-08.
Nabatid na may isang grupo ng mga turistang pasahero
ng isang bangka ang papunta ng Boracay nitong Sabado.
Pinasuot sila ng kanilang tour guide ng life jacket
habang ang mga boatman doon ay hinayaan lamang na walang life jacket ang iba
pang pasahero.
Nagmistula tuloy na may mga exempted sa pagsusuot
ng life jacket sa mga bangka.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander
Chief Petty Officer Arnel Sulla.
Mahigpit na ipinagbabawal ng nasabing Marina Circular
ang hindi pagsusuot ng life jacket, bilang safety measures sa mga sasakyang
pandagat na may open deckhouse.
Maliban dito, iniisyuhan din umano ng Passenger
Safety Certificate (PSC) ang mga motor banca kung saan makikita ang bilang ng
mga otorisadong pasahero at sapat o higit pang bilang ng mga life jacket.
Samantala, sinabi pa ni Sulla na marami narin ang
kanilang mga nahuling lumabag sa nasabing regulasyon at nabigyan ng mga
karampatang penalidad.
Kung kaya’t umapela ito sa mga boatman na sundin
ang mga ipinapatupad na batas para sa ikabubuti ng lahat.
No comments:
Post a Comment