Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Hindi lahat ng
mga heavy equipment na pumapasok sa isla ng Boracay ay dumadaan sa Malay
Transportation office (MTO).
Ito’y matapos
na madiskubre ang mga nakapasok na umano’y ilegal construction equipments sa
isla nitong nakaraang Huwebes.
Ayon kasi kay
Malay Transportation Officer Cezar Oczon, may mga
kumukuha din ng permit sa mayor’s office ng LGU Malay para pahintulutang maipasok
sa Boracay ang kanilang equipments.
Sa kabilang
banda, sinabi ni Oczon na ilegal ang pagpasok ng mga sasakyan kung halimbawang ang
sampu rito ay kukuhaan ng permit at sasamahan ng mga walang permit.
Dagdag pa nito
ang mga permit na kanilang ibinigay ay kinakailangang mag-operate lang sa loob
mismo ng resort at higit na ipinagbabawal sa main road ng Boracay.
Maaari din umanong
i-impound ng LGU Malay ang mga nasabing sasakyan kung hindi sila agad
makakakuha ng permit at makabayad ng dalawang libo at limandaang pisong penalidad.
Samantala,
sinabi ni Oczon na kaya naipasok ang mga heavy equipment sa isla nitong Huwebes
ay dahil sa minamadali na umano ang pagpapagawa ng gusali sa New Coast Boracay.
No comments:
Post a Comment