Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magbibigay ng financial na tulong ang LGU Malay para sa anim
na bayan sa Aklan na matinding hinagupit ng bagyong Yolanda.
Nauna na itong napag-usapan ng SB Malay matapos ang
pananalasa ng nitong nagdaang Nobyembre.
Sa order of Business ng SB Session kaninang umaga isa sa
mga nilalaman nito ang resolusyon na nagtatalakay sa ibibigay na financial
assistance ng LGU Malay sa anim na bayan sa Aklan.
Nabatid na mabibigyan ng tig-iisang daang libong piso ang
bayan ng Banga, New Washington, Libacao, Altavas, Balete at Batan mula sa
limang porsyentong calamity fund ng munisipalidad ng Malay.
No comments:
Post a Comment