Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Isi-shifting
ang pagroronda sa isla ng mga pulis na nakabisikleta o ang mga tinaguriang bike
patrollers.
Ito ang sinabi ni
Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan, kaugnay sa kanilang
pagpapalawak ng kanilang police visibility ngayong holiday season.
Inaasahan na
kasi na dadagsa ang mga bakasyunista sa isla, kung kaya’t kailangan nilang
pag-ibayuhin ang seguridad ng publiko laban sa anumang uri ng kriminalidad.
Kaugnay nito,
sinabi ni Gentallan na magsasalitan sa pagroronda maging ang kanilang mga
nagbibisekletang pulis.
Ibig sabihin,
may papalit o hahalili agad na mga in coming duty sa mga out going bike patrollers.
Rorondahan din
umano ng mga ito ang iba’t-ibang lugar sa isla upang maglaan ng police
visibility.
Samantala,
nabatid na may mga miyembro ng BTAC ang sumailalim sa bicycle training noong
nakaraang buwan ng Hunyo sa Camp Delgado, Iloilo, kaugnay sa tamang paggamit ng
bisikleta habang nagreresponde sa isang krimen, paggamit ng baril habang
nakabisikleta, at iba pa.
No comments:
Post a Comment