Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iniimbistigahan na ngayon ng LGU Malay ang ilegal na pagdaong ng isang
barge sa isla ng Boracay nitong mga nakaraang linggo.
Ayon kay Remo Arcelis ng Malay Transportation Office o MTO.
Inaalam na nila kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing barge at kung
pano ito nakadaong sa Manoc-manoc port para mapanagot sa kanyang paglabag.
Aniya, wala itong sapat na permit mula sa kanilang opisina o maging sa mayor’s
office ng Malay para pahintulutang makapasok sa isla.
Nabatid na matapos sitahin ang nasabing barge ay bigla na lamang umano
itong tumakas.
Matatandaang umalma ang mga maliliit na pump boat at cargo operators dahil
sa pagsulpot at pagharang ng nasabing barge sa Manoc-manoc port.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng payahag tungkol dito si SB
Member Jupiter Gallenero, matapos niya itong buksan sa privileged hour ng SB session
noong nakaraang linggo.
Sa halip, ipinasa niya ito kay SB Member Leal Gelito bilang Committee
Chairman ng Transportation.
No comments:
Post a Comment