Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Inalerto ngayon ng MAO o Malay Agriculture’s Office ang publiko
sa Boracay kaugnay sa isang uri ng dikya.
Ito’y kaugnay sa isang umano’y report na natanggap ng MAO
na may isang turista ang nabiktimang Physalia
physalis o Portugese man-of-war kamakailan lang sa karagatan ng Malay.
Ayon sa MAO, ang mismong biktima pa
umano na natusok ng galamay ng Portugese man-of-war ang nagpadala ng litrato sa
kanila tungkol dito, bagay na kaagad inimbistigahan ng mga otoridad.
Ang Physalia physalis o Portugese man-of-war ay isang uri ng siphonophore o marine creature na
lumulutang o lumalangoy at may mga nakakalasong galamay, at kadalasang
napagkakaalang jelly fish o dikya.
No comments:
Post a Comment