Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Problema parin ng Department of Tourism (DOT) ang
mga naglipanang illegal Commisioners sa isla ng Boracay.
Ayon kay DOT-Boracay Officer In Charge Artemio
“Tim” Ticar.
Masasabi nyang isa sa mga sakit ng ulo ng ahensya nila
ngayon ang mga nasabing illegal commissioners na halos araw-araw ay
nadadagdagan, at niloloko ang mga dayuhan at lokal na turista.
Gayong buwan na ng kapaskuhan at inaasahan ang
pagdagsa ng maraming bisita at bakasyunista sa isla.
Kaugnay nito, nanawagan narin si Ticar sa lokal na
pamahalaan na istriktong ipatupad ang mga batas at regulasyon laban sa mga
illegal commissioners.
Samantala, pinayuhan naman ni Ticar ang mga bisita
na huwag basta-bastang sumama o tumanggap ng anumang iniaalok sa kanila, lalo
na sa mga walang kaukulang dokumento.
Aniya, mas maigi na magtungo na rin sa opisina ng
DOT para sila na rin umano ang magturo kung ano ang mga magandang aktibidad sa
isla.
Ano po yung illegal commissioners?
ReplyDelete