Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Upang mapagsilbihan ang mga bakasyunista at lokal na
residente sa buong isla ng Boracay kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sinabi ngayon ni Philippine Red Cross Malay – Boracay
Chapter Deputy Officer, John Patrick Moreno.
Na handang-handa na ang Boracay Red Cross anumang oras na
kakailanganin ang kanilang serbisyo lalo na sa araw ng Martes, Disyembre a-trenta
y uno at mismong sa oras ng pagpapalit ng taon.
Katunayan, naka-stand by aniya ang kanilang mga Nurses at
magkakaroon din sila ng pagpa-patrolya mula sa beach ng Station 1 hanggang
Station 3.
Magsisimula umano ito mula alas-diyes ng gabi hanggang
alas-dose kung saan oras din ng pagsisimula ng pagpapaputok ng mga fireworks.
Bukod dito, bukas din ang kanilang mga hotline number
kung sakaling may mangailangan ng rescue. Tumawag lamang sa 199 o di kaya’y
tumawag sa 288-2068 at sa mga cellphone naman ang gamit, tumawag lang sa 036-288-2275.
No comments:
Post a Comment