YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 24, 2013

Mga Noche Buena products, mahigpit ngayong binabantayan ng DTI- Aklan

Ni Gloria Villas, Yes FM Boracay


Todo bantay umano sa mga presyo ng Noche Buena products ang ginagawa ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI Aklan.

Ayon kay DTI-Aklan Provincial Director Diosdado P. Cadena Jr.

Ito’y para maiwasan ang pananamantala ng mga negosyante sa ganitong panahon kung saan mataas ang demand sa mga Noche Buena products.

Sinabi pa ni Cadena na masaya sila dahil sinusunod ng mga negosyante sa probinsya ang kanilang ipinapatupad na SRP o Suggested Retail Price.

Sa kabilang dako, muli namang humiling ang DTI Aklan sa publiko na maging listo sa pamimili at isumbong ang mga negosyanteng masyadong mataas ang presyo ng kanilang mga produkto ngayong pasko.

Samantala, kung ngayong Disyembre ay sobrang mahal ng mga bilihin lalo na sa Noche Buena products, sa Enero ng taong 2014 inaasahan umano ng DTI -Aklan na bahagyang bababa ang presyo ng mga produktong ito.

No comments:

Post a Comment