YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 25, 2013

Muzzle ng baril ng mga taga Boracay PNP, sinelyuhan na

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Sinelyuhan na ang mga muzzle ng baril ng mga taga Boracay PNP.

Kaagad din itong pinirmahan ni Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Kennan Ruiz upang matiyak na hindi magpapaputok ng kanilang service fire arm ang mga pulis dito.

Ginanap nitong Lunes sa mismong estasyon ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center ang pagsi-selyo ng mga baril ng mahigit 100 pulis sa isla.

Nabatid na ginagawa ang paglalagay ng selyo sa mga baril ng mga pulis tuwing holiday season, bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang maiwasan ang indiscriminate firing.

No comments:

Post a Comment