“Off-limits muna kayo at hindi
pwedeng maglaro, hangga’t hindi pa natatapos ang ginagawa doon.
Ito ang pag-abiso ni Balabag
Punong Barangay Lilibeth Sacapaño kaugnay sa pagsasaayos at umano’y
pagpapaganda ng basket ball court sa Barangay Balabag.
Sinabi kasi nito kahapon na inako
ng Tanduay ang nasabing proyekto kasama na ang pagmi-mentina nito, matapos
umano nilang makita na nangangailangan itong ayusin.
Ayon pa kay “Kap” Lilibeth, ang
Tanduay na ang magpapaganda ng basket ball court, kung saan lalagyan umano ito
ng mga pailaw, aayusin ang mga ring boards nito at lalagyan ng gulong upang
pwedeng ilipat.
Samantala, laking pasasalamat
din umano nila sa mga tumutulong at sa mga nais pang tumulong upang lalong
maging maganda ang Barangay Balabag, na siya namang itinuturing na sentro ng
mga aktibidad at businesses sa isla.
No comments:
Post a Comment