Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Mula sa P10 hanggang P35 ang presyo ng torotot
depende sa laki at klase.
Normal pa rin ang presyuhan ng mga bilog na prutas
tulad ng chico na P50 bawat kilo, melon na P35 kada piraso, malaking fuji apple
na tatlo kada P50 at ang maliit naman ay apat sa P50, limang pirasong ponkan ay
P100 at ang kiat-kiat na P50 kada bag.

Mayroon ding nakitang ibinebentang bawal na paputok
tulad ng Sinturon ni Hudas na P380.
Samantala, una namang ipinaalala ng Department of
Health (DOH) na anumang paputok na mas mabilis sa tatlong segundo ang mitsa at
may 0.2 grams o higit na pulbura ay mga kwalipikasyon para maisama sa listahan
ng ipinagbabawal na paputok.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang
Super Lolo, Bawang (Large), Pla-pla, Watusi, Giant Whistle Bomb, Higad o Sawa,
Atomic Bomb, Piccolo, Boga at may mga bago tulad ng Goodbye Philippines at
Goodbye World at Napoles.
Ayon sa mga tindera, wala pang pagtaas sa presyo sa
ngayon pero asahan na anilang sa mga susunod na araw lalo na sa bisperas ng
Bagong Taon, tataas mula P5 hanggang P20 pa ang mga usong bilihin tuwing Bagong
Taon.
No comments:
Post a Comment