YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 23, 2013

Dating sekyu, timbog sa Buy bust operation sa Manoc-manoc kagabi

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Sa kulungan na magpapasko ang isang dating sekyu, matapos matimbog ng mga pulis sa isang buy bust operation sa barangay Manoc-manoc kagabi.

Nakilala sa police report ang suspek na si Zarex Bartolo ng Barangay Tiza, roxas City, Capiz, at kasalukuyang nagtatrabaho bilang komisyoner sa Boracay.

Dakung alas 11: 30 kagabi nang isagawa ang buy bust operation kung saan na-rekober mula sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Na-rekober din sa nasabing operasyon ang isang libong pisong marked money, at cellphone na ginamit umano ng suspek sa kanyang illegal drugs transaction.

Kasalukuyang nasa kostodiya ng Boracay PNP ang suspek na nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, dahil sa umano’y pagtitinda ng ipinagbabawal na droga.

No comments:

Post a Comment