Matapos ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, pinaghahandaan
naman ngayon ng mga otoridad ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa Aklan.
Kabilang sa abala ngayon tungkol dito ay ang Aklan Police
Provincial Office (APPO) na pinai-igting parin ang seguridad sa mga pangunahing
lugar sa probinsya na dinadagsa ng maraming tao.
Kasama naman sa kampanya nila ay ang pagbabawal
magpaputok gamit ang baril kasabay sa pagsalubong sa bagong taon.
Bukod dito, naghahanda din ang Provincial Health Office ng
Aklan para sa posibleng biktima ng mga paputok kabilang na ang kanilang
kampanya na “Oplan Iwas Paputok” na kanilang isinasagawa taon-taon.
Samantala, abala na rin ngayon ang lokal na pamahalaan sa
iba’t-ibang bayan sa Aklan, sa pagbibigay ng paalala sa mga residente, na
maging maingat sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
No comments:
Post a Comment