YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 25, 2013

Mga empleyado sa Boracay na hindi nakauwi sa bisperas ng pasko, nagsama-sama sa Noche Buena kagabi

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

                                    Malungkot na masaya.

Ganito inilarawan ng ilang empleyado sa Boracay ang kanilang pagdiriwang ng bispera ng kapaskuhan kagabi.

Malungkot dahil hindi nakauwi dahil sa trabaho, ngunit masaya namang nagsama-sama para magnoche Buena.

Kapansin-pansin kagabi sa ilang lugar sa isla, ang grupo ng mga magkakasama sa trabaho na minarapat umuwi ng maaga sa kanilang mga boarding houses at staff house upang magsalo-salu.

Samantala, may mga empleyado namang nagsama-sama sa pagsimba kagabi sa bispera ng kapaskuhan, at nagbigayan ng regalo kahit tapos na ang kanilang Christmas party.

Nabatid na maraming nagtatrabaho sa isla ng Boracay ang hindi nakauwi kahapon sa kani-kanilang lugar upang makasama ang pamilya ngayong pasko, katulad ng mga waiter, driver, at mga bar tenders.

No comments:

Post a Comment