Binindisyunan ng ulan ang misa para sa bispera ng
kapaskuhan sa Boracay kagabi.
Ganito ang paniniwala ng mga nagsipagdalo sa ginanap na
Nativity Mass kagabi sa HRP o Holy Rosary Parish Boracay.
Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan bago paman
nagsimula ang misa, kung kaya’t biglang nagsiksikan ang mga tao sa loob ng
simbahan.
Samantala, nanood muna ng inihandang presentation ng mga
youth o kabataan ng simbahan ang mga dumalo sa misa, bago ito nagsimula ng
pasado alas 9.
Sinundan pa ito ng isang re-enactment ng paghahanap nina
Birheng Maria at Jose ng lugar kung saan isisilang si Hesus.
Mismong si HRP Team Mediator Father Nonoy Crisostomo ang naging
selebrante ng misa kagabi.
No comments:
Post a Comment