Abala na ang Caticlan at Cagban Jetty Port sa
pagdagsa ng maraming turista ngayong holiday season sa isla ng Boracay.
Katunayan, nitong nakaraang pasko ay halos siksikan
ang mga pumipila sa Caticlan Jetty Port para pumunta sa isla.
Dahil inaasahan pa ang pagdagsa ng maraming mga
bakasyunista dito, sinisiguro umano ng pamunuan ng nasabing port ang seguridad
ng mga taong bibisita at magbabakasyon.
Sa kabilang dako, ang naturang pagdagsa ng mga
turista ay ang nagpapaligaya naman sa mga maliliit na negosyante sa isla kung
saan mapapalakas umano ang kanilang mga kita.
Samantala, inaasahan pa rin ng Department of
Tourism (DOT) Boracay na tataas pa ang bilang ng mga turistang pupunta sa isla pagsapit
ng Bagong Taon.
No comments:
Post a Comment