Lalo umanong magpo-focus sa araw-araw na trabaho ang mga
miyembro ng MAP o Municipal Auxiliary Police sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos kumpirmahin ni MAP Deputy Chief Rodito
Absalon kahapon na wala silang Christmas at New Year’s break para kanilang 24
oras na pagbabantay.
Ayon kay Absalon, tututukan at paiigtingin umano nila ang
pagpapatupad sa mga ordinansa sa isla ngayong dumarami pa ang mga turista.
Samantala, maliban pa sa ilalaang MAP visibility sa beach
front.
Sinabi pa ni Absalon na babantayan din nila ang area ng
Boraland laban sa mga masasamang loob na pumapasok sa isla.
Asahan din umano na mahigpit nilang ipapatupad ang batas
kaugnay sa anti-smoking at anti-littering ordinance at proper waste
segregation.
No comments:
Post a Comment