Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang ginagawang panawagan ng Aklan PHO sa publiko
na huwag nang gumamit ng paputok para sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa Aklan Provincial Health Office, imbis na gumamit
ng paputok ngayong bagong taon ay gumamit nalang ng mga bagay na ligtas gamitin
katulad ng takip ng kaldero at mga turotot sa pagsapit ng bagong taon.
Naging abala naman ang Aklan PHO sa paghahanda sa mga kakailanganin
ng mga posibleng pasyente na biktima ng paputok.
Nanawagan rin ang Department of Health (DOH) na sa halip
na ibili ng paputok ay makabubuting i-donate na lamang ito sa mga biktima ng
super typhoon Yolanda.
Nais naman ng Provincial Health Office na maging zero
causality ang probinsya sa mga mabibiktima ng mga paputok ngayong holiday
season.
Samantala, katuwang ng ginagawang panawagan ng Aklan Provincial
Health Office ang Provincial Government Unit ng Aklan para sa kanilang
ginagawang kampanya ngayong pagsapit ng bagong taon.
No comments:
Post a Comment