Todo
alerto ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa presyo ng mga
bilihin isang araw bago sumapit ang pasko.
Ayon
sa DTI Aklan, mahigpit nilang binabantayan ang mga presyo ng mga bilihin lalo
na ang mga pang noche Buena.
Kasama
ng DTI sa pagmomonitor ay ang Department of Agriculture o DA na siya namang tumitingin
sa presyuhan ng karne ng manok at baboy na pangunahing hinahanda tuwing pasko.
Sinisiguro
naman ng DTI at ng DA na magiging patas ang mga nagbebenta ng kani-kanilang
paninda sa mga mamamayan.
Kaugnay
nito, dagsa narin ang mga mamimili sa ibat-ibang lugar sa Aklan lalo na sa
bayan ng Kalibo.
Siniguro
din ngayon ng Aklan Police Provincial Office na magbabantay sila sa mga
pangunahing lugar sa probinsya na siguradong dadagsain ng maraming tao.
Mahigpit
ding nag-paalala ang mga nabanggit na ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa mga
magsa-shopping na maging alerto at maging wais sa pamimili lalo na at
naglalabasan ang mga mandurukot at manloloko.
No comments:
Post a Comment