Damang-dama na nga ang excitement ng mga tao sa
pagsalubong ng bagong taon.
Katunayan, ilan sa mga residente sa probinsya ng Aklan ay
namimili na ng mga paputok para sa pagpapalit ng taon.
Tradisyon na kasi ng mga Pilipino na mag-paputok sa tuwing
sinasalubong ang bagong taon, ito ay upang itaboy umano ang mga malas na inaasahang
papasok sa bagong taon.
Samantala, kasabay ng pagsusulputan ng mga pamilihan ng
paputok.
Muli namang umarangkada ang kampanya ng Department of
Health sa ligtas na pagsalubong sa bagong taon.
Nabatid na pinangunahan ni DOH Secretary Enrique Ona ang
paglulunsad ng kampanya para sa ligtas na pagsalubong sa 2014.
Layon ng kampanya ng DOH na mapababa ang bilang ng mga
biktima ng paputok tuwing magpapalit ng taon.
Paulit-ulit namang ipinaalala ng DOH sa publiko na lahat
ng paputok ay bawal sa bata, umiwas sa mga taong nagpapaputok, huwag mamulot ng
mga hindi sumabog na paputok, at kaagad magpagamot kapag natamaan o naputukan.
No comments:
Post a Comment