Ibinalik na sa baybayin ng Boracay ang mga buhanging
nakumpiska sa Caticlan Airport.
Ito ang kinumpirma ni Municipal Auxiliary Police o MAP Deputy
Chief Rodito Absalon sa Boracay, kaugnay sa mahigit kumulang limang sakong
buhangin at maliliit na corals na narekober mula sa nasabing paliparan nitong mga
nagdaang linggo.
Ayon kay Absalon, nakumpiska ang mga nasabing buhangin at
corals mula sa mga Pinoy at Foreign Tourist sa isla na nagnanais iuwi ang mga
ito bilang souvenirs.
Narekober umano ng mga empleyado ng airport ang mga
buhanging nakasilid sa mga bottled water, habang nakasilid naman sa bag ang mga
maliit na corals.
Kaugnay nito, muling ipinaalala ni Absalon sa mga turista
na huwag nang sumubok pang kumuha ng mga buhangin o anumang bato mula sa
baybayin ng Boracay, dahil mahigpit umano itong ipinagbabawal.
Kukumpiskahin parin umano kasi ang mga ito at ibabalik sa
Boracay.
Samantala, ayon pa sa mga taga MAP, hahanapan pa nila ng tamang
mapaglalagyan ang mga nakumpiskang corals.
No comments:
Post a Comment