Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naglunsad ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay
ng “Oplan iwas paputok” para sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon kay Boracay Bureau of Fire Protection (BFP)
Inspector Joseph Cadag.
Patuloy ang kanilang ginagawang pag-momonitor sa isla
ng Boracay kasama na ang ilang lugar sa Malay para sa mga nagbibinta ng paputok.
Aniya, 24/7 silang magbabantay at mag-iikot sa mga
nasabing lugar hanggang sa ipagdiwang ang bagong taon.
May mga itinilaga naman umano ang LGU Malay na
ilang lugar sa Boracay at Malay kung saan maaring magbinta ng mga paputok.
Nilinaw naman ni Cadag na dapat ay mayroong mga
nakalagay na safety precautions sa mga lugar na pinagbibintahan ng mga paputok
katulad ng “no smoking at no testing”.
Dapat din umanong mayroon silang fire distinguisher
na naka-standby sa kanilang mga tindahan sakaling magkaroon ng problema.
Mahigpit namang paalala ng BFP na kung maaari ay
iwasan nalang ang paggamit ng anumang uri ng paputok para sa pagsalubong ng
bagong taon para maka-iwas sa anumang disgrasya.
No comments:
Post a Comment