Kontrolado ng mga pulis at MAP o Municipal Auxiliary
Police ang daloy ng trapiko sa Boracay ngayong Pasko.
Maliban sa beach front ng isla, lalo pang tinututukan ng
mga pulis at MAP ang Barangay Balabag main road, kung saan marami ang mga
pasahero patungong simbahan, D’mall, at iba pang mga pamilihan sa Boracay.
Marami rin ang mga bakasyunistang pumapasok ngayon sa
isla, at mga nagsisipag-uwian namang mga empleyado mula rito.
Bagay na kaliwa’t-kanan ang pag-arangkada ng mga
pampasaherong traysikel, mga service vehicle ng mga resort, at maging ng mga
habal-habal.
Kaugnay nito, nag-double time naman sa pagmimentina sa
trapiko ang mga law enforcers sa isla.
No comments:
Post a Comment