Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa na namang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ang
nagka-aberya sa paglanding kahapon sa Kalibo International Airport.
Base sa isinagawang imbistigasyon ng pamunuan ng nasabing
paliparan, palapag na sana ang Flight number 2P-975 dakong alas-6:00 ng gabi
kahapon subalit nag-malfunction ang hydraulic sa front steering wheel o ang
landing gear ng eroplano dahilan upang hindi ito makaliko pakanan para sa
lubusan ang paglanding.
Tinatayang apat naput limang minuto itong naantala bago
tuluyang naayos ng piloto ang mechanical problem para mailapag ng maayos ang
eroplano.
Nabatid na halos isang daan at walumput anim ang
pasaherong sakay nito mula sa Metro Manila na ligtas naman na nakababa.
Matapos maabala sa pagkahambalang ng eroplano sa gitna ng
runway bumalik naman agad sa normal ang ibang flights sa nasabing paliparan.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Kalibo International
Airport dahil sa naging minimal lang ang nasabing insidente.
Bagamat mayroon paring mga pasahero ang hindi naiwasang
mainis dahil sa pagkaantala ng kanilang mga biyahe.
No comments:
Post a Comment