Siksikan na ngayong bisperas ng
Kapaskuhan ang mga mall sa probinsya ng Aklan.
Dumagsa na kasi ang mga mamimili
para sa mga ihahanda mamayang gabi sa Noche Buena at mga ibibigay na regalo.
Ayon sa ilang mga negosyante,
marami ngayon ang namimili ng ipang-reregalo sa mga inaanak katulad ng mga laruang
pambata, habang ang ilan naman ay mas pinipili ang mga educational toys o mga
damit.
Kung panghanda naman ang
pag-uusapan, kabilang sa mga maaaring bilhin at hindi pa nagtataas ang presyo
ay ang pasta, fruit cocktail, keso de bola, at iba pang de-lata.
Samantala, matatandaang
ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan kamakailan sa
publiko na lokal na mga brand ang bilhin upang mas makamura sa bibilhing pang
Noche Buena at Media Noche.
No comments:
Post a Comment