Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahan ng Malay Municipal Auxiliary Police (MAP) ang
matinding trapiko sa Boracay bukas sa pagdiriwang ng undas.
Ayon sa mga taga-MAP Boracay paiigtingin nila ang kanilang
pagbabantay sa mga kalsadahin sa isla partikular na sa labas ng Manoc-manoc
cemetery.
Bente-kwatro oras naman ang kanilang gagawing siguridad sa
trapiko para maiwasan ang anumang aksidente sa daan gayon din para hulihin ang
mga pasaway na motorista.
Sa ngayon halos patuloy ang mabigat na trapiko sa main road
ng Boracay dahil sa pagdagsa ng maraming turista dulot ng long week end sa
bansa.
Hindi naman palalagpasin ng MAP ang mga motoristang walang
lisensya at helmet kabilang na dito ang hindi rehistradong mga sasakyan na kalimitang
ipinagbabawal sa Boracay.
Sa ngayon halos all-set na ang lahat ng mga pangunahing
otoridad sa isla ng Boracay na may kaugnayan sa ipinagdiriwang na undas ng
bukas.
No comments:
Post a Comment