Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inirekomenda sa Sangguniang Bayan (SB) Malay ang
pag-accredit at re-accreditation sa mga Non Government Organization (NGO’s) sa Malay.
Ito umano ay para maiwasan ang ilang mga bugos na NGO na
naglulustay ng pera magmula sa kaban ng bayan.
Matatandaang mainit ngayon ang isyu sa pork barrel scam
kung saan sangkot ang ilang mga pekeng NGO’s na madaling nakakakuha ng pera sa
bayan at pinaglaanan ng pondo.
Ayon sa SB Malay, kapag accredited na ang lahat ng NGO’s
sa bayan maiiwasan ang mga kaso ng korupsyon at hindi rin mapupunta ang pondo
ng mga mambabatas sa mga kuwestiyunableng
NGOs.
Marami na umano kasi sa mga NGO ay peke ang address,
habang ang iba ay pinamumunuan ng ilang mga negosyante na ginagamit ang pondo
para sa pan-sariling kapakanan.
Ilang mungkahi na rin ang lumabas tulad ng higpitan ang
pagpapalabas ng pondo o patakaran sa paggamit nito para matiyak na sa tamang
proyekto mapupunta.
No comments:
Post a Comment