Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka-heightened alert na ang Philippine coastguard (PCG) sa
lahat ng pantalan sa probinsya ng Aklan para sa pagdiriwang ng undas bukas.
Ayon kay Caticlan Philippine Coast Guard Lt. Senior Grade
Jimmy Oliver Vingno.
Simula pa noong Oktobre bente singko ay ipinatupad na nila
ang “oplan ligtas biyahe” para sa mga magsisiuwi sa kani-kanilang probinsya.
100 percent naman umano silang naka-pokus para sa pagdagsa ng
mga turistang pupunta sa isla ng Boracay dahil sa mahaba-habang long week end.
Dagdag pa Vingno, may mga assistance center at hotlines silang
inilagay sa mga jetty port para sa emergency.
Kaugnay nito, nagpaalala ang PCG sa lahat ng mga bibiyahe sa
malalayong lugar na mag-ingat para maiwasan ang anumang sakuna.
Kasama naman ng Philippine coast guard ang Marina o Maritime
Industry Authority, Philippine Ports Authority, Coastguard Auxiliary at ilang
pang ahensya para masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.
No comments:
Post a Comment