Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Plantasado na ang paghahanda ng Aklan Provincial
Government para sa pagdating ng cruise ship sa Boracay sa Lunes.
Ito ang kinumpirma ng jetty port administration sa
ginanap na pagpupulong kahapon kaugnay sa pagdating ng MS Superstar Aquarius.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng Philippine National
Police o PNP, Philippine Coast Guard, bantay dagat, Department of Tourism, lokal
na pamahalan ng Malay at iba pang ahensya.
Nabatid na dadaong ang MS Superstar Aquarius sa Nobyembre
a-kwatro ng alas-diyes ng umaga sa karagatan ng Boracay at babalik ng China kinahapunan
ng alas singko.
Sakay naman nito ang halos isang libo at dalawang daang
turista mula sa bansang China at mahigit siyam na raang crew.
Inaasahan din na bababa ang mga ito at pupunta sa mga
sikat na tourist spot sa Boracay kabilang na ang souvenir shop, shopping area
at iba pa.
Sa ngayon halos plantsado na ang lahat ng mga
kakailanganin para dito gayon din ang siguridad sa tulong ng mga otoridad at ng
buong probinsya ng Aklan.
off white outlet
ReplyDeletefear of god
off white t shirt
fear of god essentials
travis scott jordan
off white hoodie
jordan travis scott
palm angels t shirt
bapesta shoes
bape hoodie