Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa ngayon kasi ay wala pang pagtaas sa presyo ng
mga bulaklak sa isla at bukas pa ang pagtaas ng mga ito sa kabila ng inaasahang
pagdagsa ng mga mamimili kaugnay sa paggunita ng nasabing okasyon.
Ayon sa isang flower vendor magtataas lang sila
bukas ng 50 pesos o 30 pesos sa mga bulaklak pero naka-depende parin umano ang
presyo nito sa magiging paki-usap ng isang mamimili.
Aniya dinadagdagan narin nila ngayon ang supply ng mga
bulaklak lalo na’t marami sa mga mamimili ay namamakyaw nalang para mas
makamura.
Samantala, karaniwang mas mabili naman umano ang
mga orchids tuwing Undas dahil matagal daw itong malanta.
Simula bukas ay asahan na mula sa 40 na regular
price ng mga orchids ay magiging 50 pesos na ang mga ito, ang mums flowers
naman ay hindi na umano magtataas at mananatili sa regular nitong presyo na 40
pesos.
Sa kabilang banda, sa mga nagmamadali namang
pumunta ng sementeryo nasa 250 pesos ang pagpapa-arrange ng bulaklak at 1, 500
pesos naman ang mga naka-lagay sa basket.
Sa ngayon ay preparado narin ang mga flower vendors
sa pagdagsa ng mga mamimili na dadalaw ng gabi.
No comments:
Post a Comment