Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Tiniyak ng Department of Trade
and Industry (DTI) Aklan na nananatiling sapat ang suplay at presyo ng mga
kandila para sa Undas sa Sabado.
Ayon kay Aklan DTI Development
Specialist Rene Retiro.
Patuloy ang kanilang pagmonitor
sa mga pamilihan sa Aklan na nagsimula pa nitong nakaraang buwan.
Sa inilabas namang listahan ng Suggested
Retail Price o SRP ng DTI.
Ang white Manila wax esperma #2
ay nasa P44.75 ang isang pakete na naglalaman ng apat na piraso.
Ang liwanag esperma #24 ay nasa
P122.75 habang ang bawat pack naman na naglalaman ng dalawampung piraso ng
liwanag esperma #3 at #5 ay nasa P43.75 at P60.75.
Samantala, ang isang pack naman
na may lamang sampung piraso ng esperma #16 ay nasa P49.75, habang ang isang
pack na may lamang apat na piraso ng esperma #14 ay nasa P44.75 at ang isang
pack na naglalaman ng dalawampung piraso ng esperma #3 ay nasa P54.75.
Ayon pa kay Retiro walang pagtaas
ng mga presyo ng mga kandila ngayon sa Aklan dahil narin sa inilabas nilang SRP.
Mahaharap naman umano sa kasong
profiteering o Administrative charge ng DTI ang hindi sumunod sa tamang presyo
ng mga kandilang ibibinta para sa Undas.
No comments:
Post a Comment